Emosyonal na inilahad ni Heart Evangelista ang kaniyang saloobin kung papaano nawala ang takot niya noon na mabuntis, na napalitan ng pananabik na maging isang ina nang dalhin niya sa kaniyang sinapupunan ang kambal na bigla ring nawala.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, inilahad ni Heart na hindi niya talaga inisip noon na maging isang ina, lalo’t iba ang pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang bilang bunso sa pamilya.
“My mom was very like hardcore in terms of kailangan perfect ka, kailangan ganiyan ka. So having a baby wasn’t really a priority for me ‘cause I have always been trained to be a go-getter, hardworking, no vacations. So noong mga time na ‘yun takot akong mabuntis even if I was married,” paglalahad niya.
“But when I got pregnant, I didn’t realize how much I wanted it so badly. And it changed me a lot because I didn’t think I would be a good mom, I didn’t think that I wanted to be a mom. But that’s something that I’m very thankful for that even for a brief… Bakit gano’n?” sabi ni Heart, na natigilan at nagsimulang maging emosyonal dahil sa hindi natuloy na pagbubuntis niya sa kambal sana nilang anak ni Senador Francis Escudero noong 2018.
Kahit na napakaikling panahon lang niya nakapiling ang kaniyang kambal sa kaniyang sinapupunan, natutunan ni Heart na maaari pa siyang maging mas mabuting tao.
“Even for a brief moment in my life, I realized that I can be a better person. Not necessarily that you have to give birth, not necessarily that you have to physically be a mom, but the idea and what my angels made me feel, good for me,” saad niya.
“Do you still want to be a mom?” tanong sa kaniya ni Tito Boy.
“I don’t know. Honestly I don’t know. If I’ll be a mom why not,” sagot ni Heart.
“I remember at the time pinagdasal ko na, ‘Find your way back to me in any form.' And for me, hindi ko pinipilit ‘yung mga bagay-bagay,” ayon sa kaniya.
Sa kabila ng nangyari sa kambal na hindi tuluyang nabuo sa kaniyang sinapupunan, sinikap ni Heart na maging matatag.
“I don’t allow myself to be heartbroken dahil may bagay na hindi binigay sa akin. Because I’m always grateful,” saad niya. -- FRJ, GMA Integrated News