Inihayag ni Mav Gonzales na hindi kakulangan ang pagiging single, dahil mabuti na ang ganitong estado sa love life kaysa mahulog sa maling tao.
Sa The Howie Severino Podcast, binalikan ni Mav ang hugot sa post niya noon sa social media kung saan sinabi niyang "Mabuti nang wala kesa mali."
"Kasi I always get these comments na ‘Hoy. Tumatanda ka na. Sayang ka naman, baka mamaya hindi ka na magkaanak, baka malipasan ka ng panahon.'"
Ayon kay Mav, hindi lang siya ang nakatatanggap ng mga ganitong komento, kundi pati ang ibang babae na single. Kaya naman nagtitiyaga sila na magkarelasyon sa lalaking hindi nila gusto.
"And for the longest time, it was funny lang. But then, I realized na to me siguro, it's funny. But then, to other women who are about my age or a bit older na, they take it personally na they tend to settle, they tend to like get desperate because they feel like, the relationship is the only way they would find their worth. And kahit na hindi nila masyadong bet 'yung lalaki, parang sila, ‘Ito na 'yung nandito, sige na nga.’"
Dahil sa kaniyang post, marami ang naka-relate.
"And a lot of people really resonated with it, pati lalaki na parang, kung hindi naman okay 'yung babae, let's try to find someone else," saad ng GMA Integrated News reporter.
Siyam na taon nang single si Mav. Game pa rin siya pagdating sa dating, basta huwag siyang papasok agad sa isang relasyon.
"And I feel like this journey, 'coz it's been a very long time. It's been... Ilan na ba? Mag-nine years na that I am single. But I do date. But the nine years, I feel like it's also been a journey with my friends, with cousins my age and with some people na I become friends with, also sa social media na we're all in this together. Let's not settle. You know, I feel like if the Lord provides, the Lord will provide and there will be no hassle to it," saad ni Mav.
“Ako naman po I’m open to sharing it just for other people to say na ‘Siya nga eh she has a good career also, she is doing well. She travels and stuff, and she doesn’t find na kakulangan sa buhay ‘yon if you’re still single,'" dagdag niya.
Kung magkaroon man ng relasyon na hahantong sa kasalan, sinabi ni Mav na bukas siya sa pagkakaroon ng anak.
Ngunit kung hindi man dumating ang pagkakataon, wala siyang problema rito.
“For me, personally, I would love to have kids but if I don't get married soon and I don't have the kids, e, wala. Parang that's the card for me. It's not something that would make me feel like 'Oh, I'm less of a person because this didn't happen for me.' And I hope that's also how other people feel especially mga babae kasi kami 'yung may biological clock." —VBL, GMA Integrated News