Sa edad na 28, inihayag ni Jasmine Curtis-Smith ang mga natutunan niya pagdating sa buhay at pag-ibig. Pero pagdating sa pagseselos, sinabi ng aktres na mas seloso ang kaniyang nobyo.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sinabi ni Jasmine na isa sa mga natutunan niya ang maging bukas sa lahat ng nararamdaman.
“Kung may masakit, kung nagseselos ka, kailangan alam mo kung paano ‘yun i-share sa partner mo, kailangan ready ka ring maramdaman ‘yun because no relationship is perfect. Kailangan ready ka rin bumalik sa pagiging happy together, looking forward to spending and creating great memories together because life is so short,” sabi ni Jasmine.
Ayon kay Jasmine, pagdating sa pagseselos, pareho lang sila ng kaniyang nobyo na si Jeff Ortega, pero mas seloso raw ang huli.
“Pareho kami, pero mas siya. Sorry nalaglag ka on TV,” biro ni Jasmine sa nobyo na pitong taon na niyang karelasyon.
Mas pipiliin daw ni Jasmine na agad nang sabihin ang kaniyang saloobin kay Jeff, kaysa patagalin pa ito.
“Mas na-practice ko na immediate. Kasi kapag nag-linger, ang daming nagfo-fall na bagong thoughts and comments sa utak ko. I don’t want that to add up,” anang Kapuso actress.
Pagdating sa buhay, sinabi ni Jasmine na bago tumulong sa iba, dapat munang tulungan ang sarili.
"If you want to help someone, you start with helping yourself first," saad niya. "If you want success for other people, reach for it for yourself first because once you achieve things for yourself, it will be so easy to help others around you, especially your family members. Kasi paano mo 'yun ma-achieve kung nasa pinakababa ka rin?"
"Pero if you're the one there, who needs the help, who's the one reaching out, don't be afraid as well because all it takes is you speaking up. Kailangan mo lang magsalita, magsabi, and I'm sure meron willing laging tumulong sa 'yo," payo niya.
"People in your life will come and go, no matter the circumstances — good or bad and kailangan ready ka sa mga ganun bagay for you to stand up even when things are shaking and changing," sabi pa ni Jasmine. --FRJ, GMA Integrated News