Pumanaw na ang Sparkle GMA Artist Center teen artist na si Andrei Sison matapos masangkot sa aksidente sa kotse ngayong Biyernes ng umaga.

“Sparkle GMA Artist Center sadly announces the passing of one of its teen artists Andrei Sison, due to a car accident early this morning,” saad ng talent arm ng Kapuso Network.

Ipinaabot ng Sparkle ang pakikiramay nito sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Andrei, at humiling na bigyan sila ng privacy para makapagluksa.

“Our sincere condolences to the family and loved ones of Andrei. We request everyone to respect his family's privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.”

Ayon sa Sparkle, si Andrei ay isang “well-loved and much cherished member” ng Sparkle family.

“We will miss you, Andrei. Be with God now,” anang pahayag.

 

 

Nagbigay-kasiyahan si Andrei sa kaniyang followers sa kaniyang TikTok dance covers at mga livestream kasama ang iba pang Sparkle artists.

Bumuhos naman ng pakikiramay mula sa kaniyang fans sa kaniyang pagpanaw. —LBG, GMA Integrated News