Sa ikalawa at huling bahagi ng panayam ni Boy Abunda kay Liza Soberano, tinanong ng King of Talk ang aktres na papaano kung mabigo siya sa bagong yugto ng kaniyang career na tinatawag na ngayon na "rebranding."
Matapos na magpalit ng manager, nais ni Liza na magkaroon ng laya at kontrol sa kaniyang career na umano'y hindi niya nagawa noon.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, ibinato ni Tito Boy "the big question" na: "What if you fail?"
"At least I tried," sagot ng aktres. "At least wala akong regrets pagtanda ko na hindi ko man lang sinubukan ito. 'I didn't give my all, I didn't give myself the chance to discover what it is that makes me happy, what I find fulfillment in.'"
Nilinaw din ni Liza ang pahayag niya na hindi siya masaya noon. "I experienced some of the best things in life because of that."
"And I left it happy. I left it fulfilled. But that doesn't mean I can't want more. It doesn't mean that people can't change, and want growth and new experiences," paliwanag niya.
Ibinahagi rin ni Liza ang mga ginawa niyang pag-audition sa Hollywood. Aniya, hindi naman mahirap ang mag-audition pero ang mahirap umano ang makasama sa proyekto.
"Getting casted for something that is tough, because you're competing against so many people," paliwanag niya.
"Mahirap pero gusto ko. I like challenging myself. I love na andon ako, that nobody is treating me with privilege. I like that," ani Liza. — FRJ, GMA Integrated News