Nakatakdang ilabas ni Ed Sheeran ang kaniyang ika-anim na album na “Subtract,” kung saan naging motibasyon niya ang mga matitinding dagok sa buhay na nagdulot sa kaniya ng “fear, depression, and anxiety.”
 
Sa kaniyang Facebook post, inilahad ni Ed na isang dekada na niyang tinatrabaho ang “Subtract” at “trying to sculpt the perfect acoustic album” na inaasahan sa kaniya ng mga tao.

Pero inilahad ni Ed na sa loob lamang ng isang buwan nitong 2022, nagkatumor ang kaniyang misis habang nagbubuntis, pumanaw ang kaniyang best friend at nagkaroon siya ng depresyon, ayon sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Huwebes.
 
“Within the space of a month, my pregnant wife got told she had a [tumor], with no route to treatment until after the birth,” saad ni Ed.
 
“My best friend Jamal, a brother to me, died suddenly, and I found myself standing in court defending my integrity and career as a songwriter,” pagpapatuloy niya.
 
Kaya naman nakaranas si Ed ng “fear, depression, and anxiety,” at inilabas niya ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanta.
 
“Writing songs is my therapy. It helps me make sense of my feelings. I wrote without thought of what the songs would be, I just wrote whatever tumbled out. And in just over a week I replaced a decade’s worth of work with my deepest darkest thoughts,” sabi ni Ed sa kaniyang pahayag.
 
“For the first time, I’m not trying to craft an album people will like. [Instead], I’m merely putting something out that’s honest and true to where I am in my adult life,” anang English singer-songwriter.
 
Ilalabas ang “Subtract” sa Mayo 5, 2023 sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, at iTunes. — VBL, GMA Integrated News