Isang madamdamin at masigabong palakpakan ang natanggap ni Dennis Trillo mula sa kaniyang mga kasamahan sa “Maria Clara at Ibarra” sa kaniyang last taping day bilang si Simoun.
Sa Tiktok video ni Roven Alejandro, na gumaganap bilang si Don Tiburcio sa series, mapapanood ang pag-cheer ng cast ng “Ibarra!” dahil sa magaling na pagganap ni Dennis sa karakter.
“Maraming salamat, Ginoo, sa inspirasyon na patuloy mong ibinabahagi sa marami,” sabi ni Roven sa video.
@rovendro7 #sepanx #sepanxisreal #DramaKing #mariaclaraatibarra #mci #mcai #dennistrillo #simoun #ibarra #crisostomoibarra #elfilibusterismo #elfili #nolimetangere #SpanishCoach #coachroven #gma #gmanetwork #kapuso #lasttaping #fyp? #fyp #viral #dontiburcio #español #spanish #spanishteacher #actorslife #multilingual #separationanxiety ? original sound - Roven Alejandro
Hindi naman maiwasan ni Roven na mapa-#sepanx sa pamamaalam ni Dennis sa series.
Nasa yugto na ng “El Filibusterismo” ang hit historical portal fantasy series, kung saan ipinakita na ang alter ego ni Ibarra na si Simoun.
Sa nakaraang episode nitong Biyernes, nahuli na ng mga guwardiya sibil si Klay, na ginagampanan ni Barbie Forteza, at nadiskubre ni Padre Salvi ang hawak niyang El Filibusterismo.
Tunghayan ang mga kapana-panabik pang episode ng “Maria Clara at Ibarra” gabi -gabi ng Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News