Sa halip na magalit, natutuwa si Monty Macalino ng bandang Mayonnaise sa mga taong nagpapatuloy na gumagawa ng kanilang paraan upang mapanatiling buhay ang kanilang hit song na "Jopay"--tulad ng ginawa ni Kosang Marlon.
Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ni Monty na napanood na rin nila ang ginawang pagkanta ni Kosang Marlon ng Jopay na may kakaibang tono.
Nang makaharap ng grupo si Kosang Marlon, tinanong nila ito kung tunay ang ginawang paghampas sa kaniyang kasamahan habang inaawit niya ang Jopay.
"Pinalo niya po talaga ako. Nairita rin po kasi siya eh," natatawang kuwento ni Kosang Marlon.
Sabi ni Monty kay Kosang Marlon, "Pag minsan puwede ka, ikaw na lang kumanta sa amin."
Dahil nasa gig noon ang banda, hindi pinalampas ni Monty na maka-jamming si Kosang Marlon sa kanilang pangmalakasang hit song na Jopay na unang narinig at sumikat noong 2005.
Panoorin ang masayang collab nina Kosang Marlos at Mayonnaise sa video.--FRJ, GMA Integrated News