Namaalam na si Andrea Torres sa karakter niyang si Sisa sa historical portal fantasy series na "Maria Clara at Ibarra," na maituturing niyang isang karangalan ang kaniyang pagganap.
Sa isang tweet, nagpasalamat din si Andrea sa mga manonood sa kanilang mainit na pagtanggap sa series.
"Sisa, maraming salamat sa karangalan na maisabuhay ang kwento mo ?? At maraming salamat sa inyong lahat at pinapasok niyo kami sa inyong mga puso. Isa ito sa mga role na di ko kailanman mabibitawan at haaaay, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa biyayang ito.."
Sisa, maraming salamat sa karangalan na maisabuhay ang kwento mo ?? At maraming salamat sa inyong lahat at pinapasok niyo kami sa inyong mga puso. Isa ito sa mga role na di ko kailanman mabibitawan at haaaay, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa biyayang ito..
— Andrea Torres (@andreaetorres) January 13, 2023
Sa episode na #MCIPaalam nitong Biyrnes, muli nang nakapiling ni Sisa ang anak niyang si Basilio, ngunit hindi na niya ito maalala dahil nawalan na siya ng katinuan. Matapos nito, pumanaw na si Sisa.
Hinangaan si Andrea dahil sa magaling niyang pagganap kay Sisa, at naging inspirasyon sa mga obra at sa drag. —LBG, GMA Integrated News