Pumanaw na si Lisa Marie Presley, ang solong anak ng rock and roll legend na si Elvis Presley, sa edad 54, ayon sa kaniyang pamilya.

Bago isinugod sa intensive care unit sa isang ospital sa California dahil sa cardiac arrest, dumalo pa si Lisa Marie sa Golden Globe awards.

"Priscilla Presley and the Presley family are shocked and devastated by the tragic death of their beloved Lisa Marie. They are profoundly grateful for the support, love and prayers of everyone, and ask for privacy during this very difficult time," saad ng pamilya ni Lisa Marie sa isang pahayag.

"It is with a heavy heart that I must share the devastating news that my beautiful daughter Lisa Marie has left us," saad sa People magazine ng ina ni Lisa Marie na si Priscilla Presley, asawa ni Elvis ng anim na taon bago sila naghiwalay noong 1973.

Iniulat din ng entertainment website na TMZ na nasa induced coma on life support si Lisa Marie, at "unresponsive" ito nang matagpuan ng kaniyang kasambahay nitong Huwebes ng umaga sa Los Angeles suburb ng Calabasas.

Nagsagawa ang kaniyang dating asawa na si Danny Keough, na nakatira rin sa kaniyang tahanan, ng CPR kay Lisa Marie hanggang sa dumating ang paramedics at dinala siya sa ospital.

Ayon sa sources ng naturang outlet, wala umanong tangka ng suicide sa parte ng singer-songwriter.

Hindi kinumpirma ng Los Angeles County Fire Department ang pagkakakilanlan ng isa sa kanilang pasyente. Pero sinabi nito sa media na may tinugunan silang isang babae sa kaniyang 50s na nagkaroon ng cardiac arrest bago mag-10:30 a.m.

Nakita pa sina Lisa Marie at Priscilla na dumalo sa Golden Globe awards sa Beverly Hills noong Martes, kung saan ginawaran si Austin Butler bilang Best Actor sa isang drama sa pagganap niya bilang si Elvis sa biopic ni Baz Luhrmann na "Elvis."

Pinasalamatan pa ni Butler ang mag-ina sa speech ng kaniyang pagtanggap sa award.

"I also want to thank our incredible producers and Warner Bros. and the Presley family. Thank you, guys. Thank you for opening your hearts, your memories, your home to me. Lisa Marie and Priscilla, I love you forever," saad ni Butler.

Tanging anak ni Elvis si Lisa Marie, at hinawakan niya noon ang Elvis Presley Enterprises. Pero ibinenta niya kalaunan ang shares ng kumpanya sa isang pribadong equity firm noong 2005.

Nanatili sa kaniyang pamamahala ang Graceland, ang estate sa Memphis, Tennessee na pagmamay-ari ng kaniyang ama kung saan ito natagpuang walang malay noong 1977.

Nakapaglabas ng tatlong album si Lisa Marie, na ina ng aktres na si Riley Keough, na napanood sa "Mad Max: Fury Road."

Bukod kay Danny Keough, kung saan naghiwalay sila noong 1994, ikinasal din siya noon kina Nicolas Cage, Michael Jackson at actor at composer na si Michael Lockwood. --Agence France-Presse/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News