Hindi naitago ni Angelica Panganiban ang kaniyang pagka-miss sa kaniyang fiancé na si Gregg Homan at anak nilang si Amila matapos siyang mag-isolate dahil sa COVID-19.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Angelica ang kaniyang positive swab test result at screenshot ng kaniyang video call sa kaniyang fiancé at anak.

“Nauubusan na ko ng positive thoughts[. Please] send help,” caption ni Angelica.

“I miss you family,” dagdag niya.

 

 

Nagpahatid naman sina Pokwang, Camille Prats, Anne Curtis, Carla Abellana,  Maxene Magalona, at iba pa ng kani-kanilang mensahe ng paggaling kay Angelica.

Isinilang ni Angelica si Amila Setyembre noong nakaraang taon.

Habang na-engaged naman sila ni Gregg noong Oktubre 2022.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News