Inihayag ni Sofia Andres sa Instagram post ang kaniya umanong kakaibang kakayahan na taglay mula pa noong pagkabata.

Nitong Linggo, kasabay ng pagbahagi ni Sofia patungkol sa mensahe sa pagmamahal sa sarili at paggawa sa nais gawin na makapagpapasaya, inihayag din ng aktres ang kaniyang abilidad na maaari umanong isipin na "weird" ng iba.

"I'm a #1 believer of energy since I was a little kid. It's both a blessing and a curse. I honestly can read people, I can see their auras, their colors," sabi ni Sofia sa caption.

"I have been studying this gift for years and it really helps with my anxiety. I have always known that I am different. I'm extra sensitive, selective, and misunderstood," dagdag niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

 

Bukod sa paging showbiz personality at entrepreneur, isa ring ina si Sofia sa kaniyang tatlong taong gulang na anak na si Zoe. —FRJ, GMA Integrated News