"Incomparable!" Ito ang paglalarawan ni Angel Guardian sa samahang nabuo nila ng mga kapuwa niya "mananakbo" sa Running Man Philippines." Ang mga nakasama niya sa show, naiyak daw sa video post ng first Ultimate Runner.

Sa season finale ng "Running Man PH" nitong weekend, si Angel ang nanalo sa huling challenge at itinanghal na first Ultimate Runner matapos talunin si Lexi Fernandez.

Kaugnay nito, nag-post ng video si Angel sa Instagram na makikita ang ilang clip ng kakulitan ng mga kapuwa niya runners na sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Mikael Daez, Buboy Villar, Kokoy de Santos at Lexi.

Kahit pisikal ang challenges at very competitive ang mga runner, nanatiling close ang samahan ng unang grupo ng "Running Man PH."

"Now that we’re down to our last episode ramdam na ramdam ko na yung lungkot. Haaay nakakaiyak pala gumawa ng Reel!! Hahaha," saad ni Angel sa caption ng video post.

"To my co-mananakbos i just wanna say na love na love ko kayo and grateful ako sa inyo—the family that’s been built during the making of RMPH is incomparable," patuloy niya.

Ayon kay Angel, hindi niya inakala na ganoon kasaya at ka tight ang samahan nila sa grupo.

 

 

"Salamat Runners!! At salamat sa lahat ng sumuporta at nagtiwala! Mahal namin kayo!!!," ayon pa sa akres.

Sa comment section, sinabi ni Glaiza na natawa at naiyak siyang mag-isa sa post ni Angel.

"MISS KO NA KAYO KAYA MAGKITA TAYO BUKAS,” hiling ni Glaiza na may kasamang crying emojis.

Sabi naman ni Ruru, "Labyuu Gel!!!"

Hirit naman ni Buboy, "Tsk! Bihira lang mag post pero nag papaiyak buset!"

Panoorin sa video ang matinding labanan ng mga mananakbo sa finale episode ng "Running Man PH."

—FRJ, GMA Integrated News