Ipinakilala na sa tinututukang Kapuso series na "Maria Clara at Ibarra" ang karakter ni Salome na ginagampanan ni Rain Matienzo.

Si Salome ang nagpapaibig sa magiting na si Elias sa nawawalang chapter ng "Noli Me Tangere," na pinaniniwalaang kinaltas ni Dr. Jose Rizal mula sa final manuscript dahil sa kakulangan ng pondo.

Sa bagong edisyon ng nobela na may titutlong "Elias at Salome," makikita na ang naturang chapter sa appendix, para mabasa ito ng mga mag-aaral sa high school.

Sa episode ng "Maria Clara at Ibarra" nitong Lunes, nagkita sina Salome at Elias [ginagampanan ni Rocco Nacino) sa kabundukan at inihayag ang pagmamahal nila sa isa't isa.

Ayon kay Elias, walang pagbabago si Salome na siyang nagbibigay sa kaniya ng liwanag at pag-asa.

Para naman kay Salome, si Elias na kaniyang mahal ang tunay na bituin. 

Nag-post din sa Twitter si Rain ng kaniyang larawan bilang si Salome matapos na maipalabas ang naturang episode.

 

 

Naging trending topos sa Philippine Twitter ang "Salome" nang ipilabas ang naturang episode, na pagpapakita ng kasiyahan ng mga manonood na makita sa serye si Salome.

Napapanood ang "Maria Clara at Ibarra" sa GMA Telebabad mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng GMA News "24 Oras." Napapanood via livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.—FRJ, GMA Integrated News