Nagbabala ang veteran actress na si Jaclyn Jose sa mga nakakakilala sa kaniya na huwag pansinin ang mensahe na nagsasabing mangungutang siya.

Nag-post nitong Miyerkules ng gabi sa Instagram si Jaclyn para ipaalam sa kaniyang mga follower at kaibigan na na-hack ang kaniyang telepono.

Ipinost din niya ang screengrab ng isang kaibigan niya na pinadalhan ng mensahe ng hacker na nangungutang daw siya ng P20,000.

"My phone has been hacked...pls ignore if some one is asking for money d po ako yun," ayon sa caption ng aktres sa kaniyang post.

Mapapansin na tila nagduda ang kakilala ni Jaclyn sa kapalitan niya ng mensahe sa chat, at nagtanong na, "ikaw ba ito o na-hack ka?."

Sa comment section ng post, sinabi ni Jaclyn na, "Ang style [ng hacker] kamusta ..those who know me alam nila hindi ako yan..pls wag paloko....ako na sana ang huling naloko ng mga taong ito..."

May hinala rin ang aktres na taga-"industriya' nila ang hacker.

"I think taga industry ito ..alam nia ang zoom( meaning d puede video call kasi nasa zoom...," paliwanag ni Jaclyn patungkol sa ginawang pagtawag ng kakilala niya sa hacker pero idinahilan na nasa "zoom" siya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)

 

Sa isang ulat ng PEP.ph, sinabing bukod kay Jaclyn, nauna na ring nabiktima ng hacking sina Zsa Zsa Padilla, direk Joel Lamangan at Edgar Mortiz.
--FRJ, GMA Integrated News