Miyembro na ng Sparkle family si Chanty na miyembro ng K-pop girl group na Lapillus.
Inanunsyo ito ng Sparkle sa Instagram post nitong Biyernes.
"She's ready to HIT YA! We're very happy to welcome K-Pop star and Lapillus member Chanty to Sparkle," saad sa caption sa post.
Chantal Videla ang tunay na pangalan ni Chanty, isang Filipino-Argentinian, na naging miyembro ng Lapillus ngayong taon.
Ang first single nila na "Hit Ya!" ay inilabas nitong Hunyo.
Miyembro ng Lapillus sina Shana, Yue, Seowon, Haeun, at Bessie. Ang pangalan ng grupo ay hango sa isang gem na nagniningning ng iba't ibang kulay.
Kasalukuyang nasa bansa ang grupo at nagtanghal sa "Eat Bulaga."—FRJ, GMA Integrated News