Masaya si Juancho Triviño na pisikal na siyang nakapagmartsa sa kaniyang graduation ceremony sa kolehiyo matapos ang 13 taon.

Ibinahagi ni Juancho sa Instagram nitong Sabado ang kaniyang mga larawan na suot ang kaniyang toga at hawak ang diploma habang nasa Philippine International Convention Center.

 

Mayroon din siyang larawan noong binata pa lamang siya at nagsimulang mag-aral sa De La Salle University.

Nauna nang dumalo si Juancho ng kaniyang virtual  graduation ceremony noong nakaraang taon at nagkaroon ng degree na Bachelor of Science in Entrepreneurship. Nagsimula siya sa kolehiyo noong 2009.

Hindi aniya naging madali ang pinagdaanan niya nang magsabay ang kaniyang pag-aaral at showbiz commitments.

Natanggap din ni Juancho ang kaniyang unang acting nomination dahil sa mahusay niyang pagganap bilang si Padre Salvi sa Kapuso series na "Maria Clara at Ibarra." —LBG, GMA Integrated News