Ikinuwento ni Mikee Cojuangco-Jaworski kung paano niya nadiskubre na ang asawa niyang Robert "Dodot" Jaworski Jr. ang kaniyang "The One," at ano ang katangian nito na kaniyang nagustuhan.

Sa podcast na "Surprise Guest with Pia Arcangel," sinabi ni Mikee na nagkakilala sila ni Robert, o Dodot, dahil sa pangungutya ng kanilang mga kaibigan.

"It was not really a time in my life that I was looking to meet anyone, really not talaga. And I was at a stage na 'Okay, I'm gonna focus on to trying to qualify for the Olympics, I'm gonna focus on my career,'" sabi ni Mikee, na gusto noong mas paghusayan pa ang kaniyang career sa sports.

Pagkauwi raw ni Mikee mula sa isang training stint sa abroad, kinulit siya ng kaniyang kaibigan sa group date at makita si Dodot.

"I thought to myself, 'You know what... I am a mature woman, I don't need to feel as if there is an expectation from meeting someone. Kasi tama naman siya, kakain din naman ako eh, eh di kumain na lang tayong magkasama. If at all I'll meet another person, it doesn't even matter if I like this person in any way at all or dislike this person," kuwento niya.

"I had an attitude na walang pressure, it didn't matter," dagdag ni Mikee.

Naging casual ang dinner nila ni Dodot kasama ang mga kaibigan, at doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Naulit ito ng ilang beses, hanggang sa dumating ang punto na sinusundo na siya ni Dodot.

"'Yun na ang sign na may something," anang dating aktres at model.

Ayon kay Mikee, mas nakilala pa niya si Robert noong isang beses na maipit sila sa traffic.

"May tumatawid, tapos sabi ko, pepreno ba ito (Robert)? Sabi ko na lang 'May tumatawid.' Bigla siyang preno. Ako, that's a warning sign... Siyempre, ano ba ang ugali ng taong ito?"

Sa kalagitnaan ng trapiko, tinanong si Mikee ni Robert kung gusto niyang mas makilala na lang ito nang totohanan, at hindi sa "best foot forward."

"Tapos go ulit kami. May sumingit, bastos naman talaga 'yung pagkasingit niya. Eh 'di preno na naman tapos, nag-bad word siya. Tapos siguro napansin niya medyo lumaki 'yung eyes ko kasi napaganu'n ako. Sabi niya sa akin 'Ah gusto mo ba best foot forward muna? Or puwedeng totohanan na lang?'"

"Nag-isip pa ako talaga, 'Sige nga, 'yung normal na lang,'" sabi ni Mikee. "Parang sinabi ko [kapag best foot forward], 'Lokohin mo ako.'"

Nagpasalamat naman si Mikee, na nakilala niya si Dodot sa tunay na pagkatao nito.

"It was more of getting to know him. Buti na lang sinabi ko, 'Sige 'yung totoo na lang, 'wag na lang best foot forward."

"It was small things, more than anything else. It was 'yung thoughtfulness niya, 'yung closeness niya sa mom niya, 'yung pag-alaga niya sa mga kapatid niya. It was more of details, 'yung kahit na ito napakaliit na bagay pero for me, 'yung siya 'yung nagbubukas ng gate ng bahay niya para i-park ang kotse niya, siya 'yung nagsasara. Para sa akin, that's something... then I saw his dad, kasi hindi pa kami married nu'n, also ganu'n 'yung ugali niya, big J na siya nu'n," dagdag niya.

Hanga raw si Mikee sa naging pagpapalaki kay Dodot ng ama nitong PBA legend na si Robert Jaworski.

"For me that was even something that spoke not just of Dodot as a person, but the upbringing. Tapos I got along right away with his family, with his parents. For me it was a lot of things that came together talaga. For me, ultimately, 'yung pareho ang values namin, 'yung pareho ang direksyon na gusto naming puntahan sa buhay namin, that was the most important part for me," paglalahad ni Mikee. --FRJ, GMA News