Dahil sa husay sa pagganap bilang si Padre Salvi sa Kapuso series na "Maria Clara at Ibarra," nakatanggap ng kaniyang unang acting nomination si Juancho Triviño.
Nominado si Juancho sa TAG Awards Chicago bilang Best Supporting Actor dahil sa pagganap niya sa kontrabidang pari sa nobelang Noli Me Tangere.
"Ah wow, sa 10 years ko sa showbiz, first time ko to," sabi ni Juancho sa Twitter.
The Filipino-American community here in Chicago proudly present to you 2022's OFFICIAL FINALISTS for our 3rd Annual TAG AWARDS CHICAGO.
— TAG Media Chicago (@tagmediachicago) November 1, 2022
CATEGORY: BEST LOVETEAM (PH)
VOTING MECHANICS
Jury Votes = 80%
Online Votes = 20%
VOTING PERIOD: Nov 1 to Dec 25, 2022 #tagawardschicago pic.twitter.com/5mkO27rKnb
Nominado rin ang iba pang stars ng “Maria Clara at Ibarra” na sina Barbie Forteza bilang Best Actress, at Julie Anne San bilang Best Supporting Actress.
Ah wow, sa 10 years ko sa showbiz, first time ko to https://t.co/IXtOVdMD81
— Juancho Trivino (@juanchotrivino) November 2, 2022
Inorganisa ng TAG MEDIA, kinikilala ng naturang awards giving body ang tagumpay ng celebrities at influencers sa entertainment, entrepreneurship, at social media.
Ayon sa YouTube channel nito, isang Filipino-American sa Chicago ang bumuboto para sa listahan ng nominees at awardees, samantalang ang 20 porsiyento ng criteria para sa mga nanalo ay sa online votes sa Twitter.--Jamil Santos/FRJ, GMA News