Nagpakitang gilas ang hindi isa, kundi limang K-pop groups sa kanilang performances, na dinagsa ng fans sa "I-Pop U in Manila" nitong Biyernes ng gabi.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, sinabing ipinakita ng fans ang kanilang  high energy sa Smart Araneta Coliseum, kung saan unang sinalubong ng hiyawan ang K-pop girl group na Alice.

Kauna-unahang performance ng Xdinary Heroes sa Pilipinas, kaya memorable ito para sa kanila.

Nagpasiklab din ang Golden Child sa kanilang stylish dance moves. Sinabi ng mga miyembro na natagalan man bago sila nakabisita sa Pilipinas, masaya sila nang nakapagtanghal na rin sila sa bansa.

Hindi rin nagpahuli ang grupong WayV, na game na game kumasa sa challenges.

Pasabog din ang performance ng NCT Dream ng kanilang hit songs na “Hot Sauce” at “Beatbox.”

Nagpasalamat din ang NCT Dream thankful din sila sa NCTzens para sa mainit na pagtanggap sa kanila. — Jamil Santos/VBL, GMA News