Nakapagtapos na ang "TGIS" star na si Kim delos Santos sa kaniyang masteral sa nursing at sa pagiging isang psychiatric mental health nurse practitioner.
Sa nakaraang episode ng Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga, isa si Kim sa mga naging guest choices tungkol sa mga artistang nakapagtapos na may bachelor's degree.
Ayon kay Kim, nakuha na niya ang kaniyang Bachelor's Degree sa Nursing dalawang taon na ang nakararaan.
"Masters in Science of Nursing. Two courses po siya, and the other is Psychiatric Mental Health Nurse Practitioner," sabi ni Kim.
"Ngayon I graduated this year sa Masters, may concentration ng psychiatric mental health nurse practitioner," dagdag niya.
Dati nang inihayag ni Kim na pinasok niya ang pagiging isang psychiatric mental health nurse para matulungan ang mga nakararanas ng depresyon.
"Mental health is something that is more known now. Because a lot of people are experiencing depression, anxiety dahil sa pandemic. So I've decided to change the course," sabi niya.
Bilang dating artista, nakatulong daw ito para maka-relate si Kim sa mga pasyente.
"It's a humbling experience kasi ang layo ng course ko sa pagiging artista eh. It's more of me taking care of people, 'pag artista ka, you're pampered. Pero ang helpful sa akin is that, kapag artista ka, we're very emotional. Depression, anxiety, pinagdadaanan natin 'yan 'di ba. So we understand what they're going through. May empathy na tayo, 'yun ang nakakatulong," paliwanag niya.
"It's almost the same ng pag-aartista, kasi you're still helping people. 'Pag artista you're making them happy. Sa pagnu-nursing you're making them better," dagdag ni Kim. --FRJ, GMA News