Sa programang "Unang Hirit," sumalang si Bea Alonzo sa lie detector test at sinagot niya ang ilang maiinit na tanong.

Nang tanungin si Bea kung ang nobyong si Dominic Roque na ba ang gusto niyang makatuluyan sa buhay, mabilis na sagot ng aktres, "Oo naman."

"Sana, sana. Siyempre hindi na tayo naglalaro," dagdag ng aktres.

Nauna nang inilahad ni Bea na priority niya muna ngayon ang kaniyang showbiz career at pamilya, pero ibibigay pa rin niya ang matamis niyang "oo" kung mag-propose sa kaniya si Dominic.

Inilarawan ng aktres na husband-material para sa kaniya si Dominic.

Hindi naman itinanggi ni Bea na nakararamdam din siya ng kilig kapag ka-eksena niya si Alden Richards sa kanilang tv series na, "Start-Up PH."

"Oo naman! Sino ba namang hindi? 'Pambansang Bae' ito. Tsaka guwapo si Alden, tapos the way he looks at you, parang nakakatunaw paminsan," sabi ni Bea.-Jamil Santos/FRJ, GMA News