Mas natututo pa ngayon si Dennis Trillo sa kaniyang daddy duties sa pag-aalaga niya kay Baby Dylan, sa kabila ng pagiging abala sa showbiz commitments.

Sa ulat ng "Saksi," sinabing tinitiyak ni Dennis na maging isang hands-on dad kahit na abala siya sa kaniyang project na "Maria Clara at Ibarra."

"Umuwi ako ng madaling-araw, diretso ako no'n mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-tsek ko kung kailangan palitan ng diaper," sabi ni Dennis.

Dagdag ni Dennis, kay Baby Dylan lang siya nakaranas kung paano maging isang hands-on dad.

Gumaganap si Dennis bilang si Crisostomo Ibarra sa naturang Kapuso historical portal fantasy series, kung saan co-star niya si Barbie Forteza.

Gumaganap naman si Barbie bilang Maria Clara na "Gen Z," o si Klay.

Mapapanood na ang "Maria Clara at Ibarra" simula Lunes pagkatapos ng "24 Oras." — Jamil Santos/VBL, GMA News