Nagkita na rin ang miyembro ng BTS na si Suga at ang point guard ng Golden State Warriors na si Stephen Curry sa Japan matapos ang kanilang pag-uusap online.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa Balitanghali nitong Sabado, sinabing matatandaang nagkaroon ng interakasyon sina Suga at Stephen sa Twitter.

Inihayag ni Suga ang kaniyang pagiging certified DubNation.

Samantalang sinabi ni Stephen na big fan ng BTS ang kaniyang mga anak.

Sa Twitter post ng Warriors Japan, makikita ang todong ngiti ni Stephen habang hawak ang kopya ng Proof album ng Kpop group.

Hawak naman ni Suga ang jersey na may pirma ni Stephen.--Jamil Santos/FRJ, GMA News