Dinakip ng mga awtoridad sa bisa ng arrest warrant sa Biñan, Laguna sa kasong may kaugnay sa cybercrime ang aktor na si Dindo Arroyo, o Conrado Manuel Ambrosio II, sa tunay na buhay.
Sa inilabas na pahayag ng Laguna Police Provincial Office (PPO), sinabing ang arrest warrant laban kay Dindo, 61-anyos, ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 101 ng Santa Rosa City, Laguna.
Nahaharap ang aktor sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 (two counts), na may kaukulang piyansa na P10,000 sa bawat kaso.
Kasalukuyang nakadetine si Dindo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Biñan City.
Sinusubukan pa ng GMA News Online na makuha ang pahayag ng aktor.
Ayon kay Police Colonel Randy Glenn Silvio, officer-in-charge ng Laguna PPO, ang pag-aresto kay Dindo ay patunay na “the law applies to all.” --FRJ, GMA News