Nagkuwento si Chris Evans tungkol sa kaniyang pagboses bilang si Buzz Lightyear sa pelikulang "Lightyear."
Sa Chika Minute report ni Lyn Ching sa "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing solo movie si Buzz Lightyear ang pelikula matapos ang 27 taon mula nang unang sumikat ang kaniyang karakter sa pelikulang "Toy Story."
"I'm a massive Disney kid and I'm proud of it! I'll shout it to the mountaintops," sabi ni Chris.
Makakasama ni Buzz sa "Lightyear" bilang partner ang cute na robotic cat na si Sox.
Pero sa tunay na buhay, aso ang laging kasa-kasama ni Chris na si Dodger, na maihahalintulad din naman niya kay Sox.
"Sox is, you know, like a physicist, an astronaut. And Dodger is sniffing farts. But he's really cute. Dodger is just the most honest, dependable. Sox is gonna be there when you need him, and in a way, Dodger is the same one," sabi ni Chris tungkol sa kaniyang alagang aso.
Co-actor ni Chris si Taika Waititi bilang si Mo Morrison sa pelikula.
Sa pelikula, magiging stranded sina Buzz sa isang planeta.
Natanong naman sina Chris at Taika kung sino ang gusto nilang makasama habambuhay kung mangyari ito sa tunay na buhay.
Si Taika, walang problema kung si Chris ang makakasama niya.
"A future on a planet? Not a problem. Also if we get bored of each other, we'll just play one of our popular characters and then I will mix them up between the ones whom I've played," sabi ni Taika.
"Who would I bring? I'd say I don't want to hurt your feelings... I know who I'd bring but I can't say it," biro ni Chris.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News