Inihayag ni Camille Prats na kung may tao siyang maituturing na "kabute" na biglang sumulpot sa kaniyang buhay, ito ay walang iba kung hindi Kuya Kim Atienza. Kung bakit? Alamin.
"Sumulpot sa buhay ko na parang kabute, ang masasabi ko diyan ay itong si Kuya Kim," sabi ni Camille tungkol sa co-host niya sa "Mars Pa More." "Isa ka naman talagang kabute sa life ko eh."
Ayon kay Camille, hindi siya makapaniwalang makakatrabaho niya ang "Kuya ng Bayan."
"Because itong 'Mars Pa More,' siyempre when Kuya Kim was a part of this, parang, 'Really, Kuya Kim?' Tapos 'yun 'yung transitioning pa lang si Kuya Kim na bagong pasok sa network, so ninenerbiyos ako na makaharap siya."
Nagsilbi raw na "blessing" si Kuya Kim sa kanila dahil sa mga natututunan nila sa trivia master.
"But then you know what, it turned out to be a blessing, kasi kami ni Iya and Kuya Kim, ang dami naming napag-uusapan tungkol sa buhay na meaningful. 'Yun ang pinaka-blessing. Literal na kabute, kasi hindi ko ever imagine that I will be working with you, but then it turned out to be such a huge blessing to me and to Mars Iya," ani Camille.
"You are my kabute, kuya. You are the kabute of my life," mensahe ni Camille kay Kuya Kim.
Naging bahagi si Kuya Kim ng 'Mars Pa More' Nobyembre noong nakaraang taon, matapos siyang maging Kapuso.
Matapos ang paliwanag ni Camille, sinabi ni Kuya Kim na mayroon kabaligtaran ang "kabute." Kung ano ito at sinong beauty queen ang gustong titigan ni Kuya nang matagal, alamin sa video. --FRJ, GMA News