Hinirang si Kyline Alcantara bilang pinakabagong Honorary Ambassador ng Korean Tourism Organization sa Pilipinas. 

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing naniniwala ang organisasyon na magagampanan ni Kyline ang paghikayat sa marami pang Pinoy na sumuporta sa turismo ng Korea.

 

Nakatakdang magsimula si Kyline sa kaniyang ambasador duty sa Abril 30 para sa offline event na Ganda Korea D.I.Y. Travel Seminar.

"I feel very much honored and grateful that KTO chose me to be the next ambassador of Korea tourism," saad ni Kyline sa isang press conference sa Shangri-La The Fort sa Taguig City.

"As a fan of Korean food, dramas, music, it is a wonderful opportunity for me to learn more of not only K-dramas or K-pop but also Korean culture and what it has to offer to us Filipinos," dagdag ng Kapuso actress. —LBG, GMA News