Kabilang sa Top 10 movies ngayon sa Netflix Philippine ang action thriller movie na "A Hard Day."
Bida sa naturang pelikula na naging Third Best Picture sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) sina Dingdong Dantes at John Arcilla.
Mismong si Dingdong ang nagbalita sa kaniyang Instagram post na mapapanood na sa Netflix ang naturang pelikula.
"Showing na sa Netflix ang A Hard Day!," saad ng aktor sa caption sa post niya ng movie poster.
"Nakakataba sa pusong malaman na maraming nakakapanood ngayon ng pelikulang ito," dagdag pa ni Dingdong.
Ipinagmalaki ng Kapuso Primetime King na nakatanggap ng mga parangal ang "A Hard Day" sa nagdaang MMFF.
"At this point, I’m just honored to have created this together with a great team! Salamat po! Hope you guys enjoy it," ayon kay Dingdong.
Ang "A Hard Day" ay kuwento ng dalawang pulis na ginagampanan nina Dingdong at John, na parehong isinisikreto.
Magku-krus ang landas nila sa isang masalimuot na aksidente. —FRJ, GMA News