Matagumpay ang unang araw ng face-to-face concert ng K-pop sensation na BTS sa Seoul Olympic Stadium sa South Korea.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing todo-suporta ang libo-libong ARMY, na nagdala ng mga glow stick na tinatawag na Army bomb.
Sinabi ng Big Hit Music na may concert pa ang BTS sa Sabado at sa Linggo.
Oktubre noong 2019 nang huling mag-concert ang global sensation sa South Korea.
Nobyembre nitong 2021 nang unang mag-in-person concert ang BTS sa Los Angeles sa Amerika.
Inaabangan naman ng ARMY sa Abril ang upcoming performance ng BTS sa Las Vegas. — Jamil Santos/VBL, GMA News