Inilahad ni Solenn Heussaff ang kaniyang dahilan kung bakit halos tinanggihan niya ang pagdalo sa Fashion Week sa Milan.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Miyerkoles, mapapanood ang isang video ng asawa ni Solenn na si Nico Bolzico, kung saan muling nakapiling ni Solenn ang anak na si Tili matapos dumalo sa naturang Fashion Week.
Ayon kay Solenn, sulit ang trip dahil sa kaniyang mga flex-worthy na larawan sa Milan.
Kasama ni Solenn sina Dra. Vicky Belo at Hayden Kho sa pagsuot ng kanilang mga outfit.
Gayunman, halos tinanggihan daw ni Solenn ang trip bago siya napapayag na pumunta.
Isa sa kaniyang dahilan ang kaniyang pagiging hands-on mom kay Tili.
Ayon kay Solenn, wala na siyang naipong fashion pieces dahil na rin sa tagal niyang nalagi sa bahay.
"Hindi ako natural katulad ni Heart [Evangelista], si Heart marunong na marunong. Ako naman I haven't dressed up in a long time so nag-panic ako, wala akong damit na bago, lahat gamit na sa TV," sabi ni Solenn.
Pero tiniyak ni Nico na magiging maayos lahat sa kanilang tahanan, at dahil deserve rin ni Solenn ang magkaroon ng mommy break.
"It was a nice excuse to look like a woman again and dress up, hindi lang nakapambahay. Nag-make up ako, nagbihis, I missed it," ani Solenn.
Inilahad pa ni Solenn na bago siya tumulak patungong Milan, inilista niya ang mga daily routines ng kaniyang mag-ama, hanggang sa kaliit-liitang detalye ng kakainin ni Tili para sa isang araw.
May mga pagkakataon pa na hindi natiis ni Solenn kundi kumustahin ang kaniyang mag-ama.
"I tried one time kasi miss ko na rin siya, so I called them sa WhatsApp tapos umiyak siya kasi parang gusto niya pumunta sa akin. 'Mama, Mama!' Sabi ni Nico 'Don't call na, we're fine, she's happy, she's not mentioning you too much. She understands naman,'" sabi ni Solenn.
Ayon pa kay Sos, malaki ang nagawa ng trip sa kaniyang pagiging mommy. — Jamil Santos/VBL, GMA News