Natapos na ng Kapuso actress na si Geneva Cruz ang kaniyang training sa Philippine Air Force. Dahil dito, may ranggo na siya ngayon na sarhento.
“Sergeant Cruz, ready to serve and protect,” saad ng aktres sa kaniyang Instagram post na makikitang nakasuot siya ng military uniform sa ginanap na ceremony.
“Today, I step in my boots and flaunt my badge as a proud member of the Philippine Air Force’s reserve command,” patuloy niya.
Bagaman hindi raw madali ang training, sinabi ni Geneva na higit naman niyang naunawaan ngayon ang kahulugan ng respect, loyalty, and honor.
“I have always been fascinated by the mystique and allure of a soldier's charmed life. There’s something about their aura that’s appealing and engaging to me,” saad niya.
Sa Chika Minute report Lhar Santiago, inihayag ni Geneva na naalala niya ang namayapa niyang ina na sana ay buhay pa para nakita ang kaniyang pagtatapos.
Apat na buwan daw tumagal ang training ni Geneva at hindi siya sumuko kapag may iniinda siyang sakit na scoliosis.
Hindi rin daw naging hadlang sa aktres ang kaniyang edad na 40's para matupad ang pangarap niyang military training.
Samantala, sa IG post ni Geneva, may paalala siya sa mga basher niya na pupuna sa kaniyang bagong achievement.
“If you have doubts if I truly deserve this badge, maybe you should enlist, too. It's time to put your money where your mouth is, and It's never too late to make something out of your life instead of belittling and frowning upon another person’s passions and truth,” pahayag ng aktres.
— FRJ, GMA News