Proud na ibinahagi ni Manilyn Reynes na mother-in-law na siya nang mag-asawa na ang panganay niyang anak.

Gayunman, hindi pa rin daw makapaniwala si Manilyn na malalaki na ang tatlong anak nila ng asawang si Aljon Jimenez na sina Kyle, Kirk, and Kael.

"Si panganay ay nag-asawa na, si Kyle at si Mickey. Ako ay mother-in-law na, si Aljon ay father-in-law na, pero wala pa ring apo," sabi ni Manilyn sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras."

Sa kaniyang Instagram, makikita ang pag-welcome nina Manilyn kay Mickey sa kanilang pamilya.

 

 

"Na kapag nasa right age na sila, ay makatagpo sila ng mamahalin na equally mabait. Masaya kaming lahat to welcome our Kyle's wife, Mickey [heart] At hindi nila makalimutan ang mga simpleng kaalaman na ating naibahagi sa kanila[heart]" caption ni Manilyn.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News