Ikinuwento ni Gee Canlas ang pagbabagong pinagdaanan ni Archie Alemania bago sila muling magkabalikan hanggang sa mauwi sa kasalan.
"We were together 12 years ago, 2010 to 2012 kami, pero sobrang away-bati," sabi ni Gee sa programang "Mars Pa More."
Matapos daw ang breakup nila ni Archie noon, hindi muna siya nakipagkomunikasyon sa aktor.
"Ano siya, matinik. For seven years I was single tapos he was my last boyfriend. Tapos I didn't know anything about him... I didn't want to be updated kasi feeling ko nauungkat 'yung hurt every time. I don't wanna see any activities whatsoever, so for seven years, I didn't know anything."
Ngunit noong mga panahong nagkahiwalay sila ni Archie, nanumbalik naman ang relasyon ng aktor sa Panginoon.
"I didn't know na nagchu-church na pala siya, I didn't know na he had his own journey, na he couldn't have went through that kung kasama niya ako. Kasi kung kasama niya ako, siguro away-bati tapos naghihilahan kami pababa. So he had to go through his own life changes."
"Nagpaparamdam siya 2015, doon na siya 'yung nag-Christian na siya," ayon pa kay Gee.
Hanggang sa muling siyang kinausap ni Archie.
"Tapos noong time na 'yun akala ko gustong makipagbalikan. 'Yun pala magso-sorry lang sa mga ginawa niya. Ako 'Okay sige.' Tapos hindi na kami nag-usap ulit. I still can't look at him, I still can't text him or whatever."
Ipinagpatuloy daw ni Archie ang kaniyang komunikasyon kay Gee, hanggang sa nagkabalikan sila at nagkamabutihan.
"Tapos out of the blue after a year and a half later, he asked to have coffee. That's it."
Ayon kay Gee: "Malayo na 'yung Archie na kilala ko before sa ngayon."
Ikinasal sina Archie at Gee noong 2018.
Meron na silang anak, si Caleb Archer Alemania, na isinilang ni Gee noong Abril 2019.
--FRJ, GMA News