Inihayag ni Analyn Barro na natutunan niyang magtira ng  para sa sarili matapos siyang gumastos nang labis para sa nakarelasyon niya noon.

"That was like two years ago. Well, kapag mahal mo, mahal mo eh. Mahal magmahal guys, gano'n lang 'yon," sabi ni Analyn sa Kapuso Showbiz News.

"Eh ako kasi, nature ko naman talagang [magbigay], giver ako eh, giver talaga ako. Siguro ang pinakamalalang nagastos ko is nilibre ko 'yung mahal ko ng travel. Like, no expense siya, ako talaga lahat," kuwento ng aktres.

"Pero gift ko naman sa kaniya 'yon because, mahal ko siya noong time na 'yon. Hindi naman talaga ako nagsisisi," pagpapatuloy niya.

Dahil sa naturang karanasan, natuto na raw si Analyn.

"Nngayon na natauhan na ako, hindi pala dapat gano'n. Dapat pala talaga magtira ka rin sa sarili mo, kasi hindi mo alam kung isang [iglap] lang eh, mawawala siya or mawawala 'yung love, mafo-fall out of love kayo," aniya.

"Tapos bata pa ako, dapat nag-iipon ako ng pera, dapat hindi ako gumagastos sa mga gano'n. Dapat nga sila ang gumagastos sa akin eh. Dapat nag-iipon pala talaga ako. Ang ginawa ko talaga noon 'yung more more give, give, give, which is wrong," pag-amin ng "Bubble Gang" babe.

Bukod sa "Bubble Gang," kasama pa rin si Analyn sa upcoming Kapuso series na "First Lady," ang sequel ng "First Yaya" na pinagbidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Gumaganap siya bilang si Gemrose, ang malditang kapatid ni Yaya Melody, na ginagampanan ni Sanya. --FRJ, GMA News