Magtatambal sa unang pagkakataon sina Glaiza De Castro at Xian Lim para sa upcoming Kapuso series na "False Positive."
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ni Glaiza na masaya siyang maging leading man ang bagong Kapuso na si Xian.
"I'm excited to work with Xian Lim, and very honored ako to be part of the show na he is doing, tsaka he's a new part of the [GMA] family," ani Glaiza na kagagaling lang sa bakasyon sa Europe.
Ayon sa aktres, ibang Glaiza naman ang mapanonood sa "False Positive."
"Hindi na kayo iiyak, hindi na kayo maiinis. Sa ngayon light lang tayo, positive lang," saad niya.
Sa kaniya namang Instagram, nag-post si Xian ng unang araw ng kanilang quarantine bilang bahagi ng paghahanda sa taping ng kaniyang proyekto.
-- Jamil Santos/FRJ, GMA News