Naglabas ng pahayag ang Korean star na si Kim Seon Ho para humingi ng paumanhin sa pinaniniwalaang dati niyang nobya. Ang pahayag, inilabas matapos na masangkot ang pangalan ng aktor sa kontrobersiya tungkol sa forced abortion.
Sa pamamagitan ng kaniyang agency na Salt Entertainment, kinumpirma ng "Start-Up" actor na nakikipagkita siya noon sa isang babae na hindi tinukoy ang pangalan at itinago sa tawag na "A," na nag-akusa kay "K" na pinilit siyang ipalaglag ang sanggol sa kaniyang sinapupunan dahil sa hindi pagtupad sa pangakong kasal.
Ang naunang post tungkol sa kontrobersiya ay lumabas noong Oktubre 8. Kahit wala ring pangalan na tinukoy tungkol sa lalaki, may mga naghinala na ito ay si Kim Seon Ho.
Sa pahayag, hindi itinanggi o kinumpirma ng agency ni Seon Ho ang alegasyon dahil inaalam pa umano nila ang mga detalye.
Ngayong October 20, ibinahagi ni Seon Ho ang sulat na humihingi siya ng paumanhin sa "belated statement," at ipinaliwanag na nakaranas siya ng pangamba sa unang pagkakataon matapos niyang makita ang kaniyang pangalan sa mga ulat.
"I was seeing her with good emotions. In that process, I hurt her due to my carelessness and inconsiderate actions," saad ng aktor.
"I wanted to meet and apologize to her directly, but I am not able to properly convey the apology now and am waiting for that time to come. For now, I would like to genuinely apologize to her through this statement," patuloy niya.
The actor also apologized for disappointing those who "trusted and supported [him] until the end."
"It was all thanks to those who supported me that I was able to become the actor Kim Seon Ho, but I had forgotten that. I apologize for causing trouble to my co-stars and all of the related staff who worked with me due to my flaws. I would like to sincerely apologize to everyone who was hurt," sabi pa niya.
"I am aware that this rambling statement will not fully reach your hearts, but I am still attempting to convey my sincere thoughts. I am very sorry," dagdag pa ni Seon Ho.
Naglabas din ng hiwalay na pahayag ang Salt Entertainment para humingi ng paumanhin tungkol sa usapin.
"We apologize for causing concern to many with actor Kim Seon Ho’s personal matters. We would like to apologize to all those who were disappointed and troubled by this issue. Once again, we apologize for worrying you with an unpleasant matter," ayon sa pahayag.—FRJ, GMA News