Blooming na dalagita na ang Korean child actress na si Kim Su An, ang gumanap noon na batang babae sa "Train to Busan."
Ibinahagi ng South Korean agency na Blossom Entertainment ang isang video kung saan makikita ang ngayo'y 15-anyos nang si Kim Su An sa isang mature photoshoot.
Si Su An ang gumanap bilang anak ni Gong Yoo sa Train To Busan noong 2016.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing isa na ngayong confident at fashionista na teenager si Su An.
Tampok din siya sa ilang TV shows gaya ng A Little Princess, A Field Day, at upcoming drama na "Reflection of You." —Jamil Santos/LBG, GMA News