Nagkita sina Heart Evangelista at kaniyang kaibigan at author ng "Crazy Rich Asians" na si Kevin Kwan sa Los Angeles, California.

Sa kaniyang IG, makikita na nag-post si Kevin ng selfie nila ni Heart sa Beverly Hills.

 

 

“So great catching up with Heart at The Peninsula Beverly Hills,” caption ni Kevin.

Sa Star Bites report sa GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing inihayag noon ni Heart sa isang interview na nag-audition siya sa role ni Araminta Lee at nakaabot sa last leg.

Noong nakaraang taon, kasama si Heart sa Facebook live talk ni Kevin para sa kaniyang libro na "Sex & Vanity" na nakaplanong gawan ng film adaptation.

Napili rin si Heart sa Harper's Bazaar feature ni Kevin na "The Real Crazy Rich Asians" noong 2018.--Jamil Santos/FRJ, GMA News