Ikinuwento ni Andrea Torres na nagkaroon sila ng matinding tampuhan noon ni Mikael Daez kahit magka-love team sila sa seryeng "Sana Ay Ikaw Na Nga."
"Almost the whole show, hindi kami magkasundo talaga ni Mikael. Magkagalit kami, as in magkaaway kami," balik-tanaw ni Andrea sa Kapuso Exclusives.
"Kasi nagkaroon kami ng tampuhan noong nagpo-promote kami ng show. Kasi pareho naming first show 'yon so medyo pressured kami na mag-work 'yung love team," kuwento pa niya.
Sinabi ni Andrea na magmula noon, hindi sila nagbatian ni Mikael sa likod ng pagtakbo ng kanilang series.
"May isa sa promos na nagkatampuhan kami na the whole time na ginawa namin halos 'yung show ay hindi kami nagpapansinan,"
"So it was after the show na naging super close kami," sabi ni Andrea.
Kabilang ngayon si Andrea sa Kapuso primetime drama series na "Legal Wives."--FRJ, GMA News