Malaki ang pasasalamat nina Sef Cadayona at Mikee Quintos sa paggabay sa kanila nina Michael V. at Manilyn Reynes sa pagganap nila bilang mga batang sina Pepito at Elsa sa "Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento."
Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing nakaramdam ng magkahalong kaba, excitement at pagka-overwhelmed sina Sef at Mikee nang malaman na sa kanila ibinigay ng GMA ang iconic roles nina Pepito at Elsa.
"Nagsabay-sabay 'yung takot, 'yung nerbiyos, 'yung kaba, sobrang saya. Hindi ko ma-explain pero very grateful," sabi ni Sef.
"'Yung cast very powerful and I'm so excited to learn from them about comedy," ayon naman kay Mikee.
Big shoes to fill para kina Sef at Mikee ang karakter nilang Pepito at Elsa dahil ginampanan ito nina Michael at Manilyn.
Nagpasalamat din sila sa tulong na ibinibigay ng direktor nilang si Bert de Leon.
Malaking bagay para kay Sef na regular niyang kasama si Michael V sa "Bubble Gang" kaya alam na niya kung paano gumalaw ang comedy genius.
Si Mikee naman, nakasama na si Manilyn sa The Lost Recipe at Dear Uge.
"Actually parang nagbigay pa nga sila na 'Huwag kayo mag-alala, iga-guide namin kayo,'" kuwento ni Sef.
"They're very supportive. The original cast, noong nakasama namin sila noong nag-story con kami and we got the chance to ask a few questions about the characters that we're gonna play, naging very welcoming naman sila," sabi ni Mikee.
Nakatuon ang kanilang atensyon sa paghahanda sa taping ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na magsisimula na ngayong buwan. --Jamil Santos/FRJ, GMA News