Kinilala si Heart Evangelista bilang Most Influential Social Media Personality for Fashion ng Mega Magazine.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing kinilala ng fashion magazine ang mga kontribusyon ni Heart sa pag-spread ng positivity ngayong COVID-19 pandemic.

Sa post naman ng Mega Magazine, sinabi nitong isa si Heart sa "achievers" na na nagbibigay-inspirasyon "to stay true to ourselves" at "be the best we can be."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MEGA (@mega_magazine)

 

-Jamil Santos/MDM, GMA News