Sa isang episode ng programang "Mars Pa More," kinailangan ng "Bubble Gang" babes na sina Analyn Barro at Ashley Rivera na magbigay ng pangalan kung "sino" ang nagpapasaya sa kanila ngayon.
Si Ashley, ipinakilala ang kaniyang pet dog na si Charlie Poop.
"This is my unico jiho. He's name is Charlie Poop," sabi ni Ashley habang hawak ang kaniyang aso na isang toy poodle na siyang nagpapasaya raw sa kaniya.
Si Analyn naman, sinabing bukod sa pagmamahal ng kaniyang pamilya, nakatuon muna ang kaniyang pansin sa self-love.
"Mahirap kasi wala naman talaga akong source... kung tao lang ha, wala. 'Yung sarili ko, puwede bang maging source of happiness 'yung sarili mo?" sabi ni Analyn.
"Aside nga sa family members, parang ako lang din 'yung nagpapasaya sa sarili ko. Kunwari tini-treat ko 'yung self ko na bumili ng cake, 'yung mga simpleng bagay lang na gano'n. Ako lang din 'yung gumagawa nu'n, so feeling ko aside from my family members, ang nakakapagpasaya sa akin is 'yung sarili ko lang din. Self love," dagdag pa ni Analyn na napapanood din sa "My First Yaya."
Sa kaniyang Instagram, nagbahagi si Analyn ng larawan nila ng kaniyang pamilya.
"[T]he only thing that matters... [heart emoji]" caption niya.
Gumaganap si Analyn bilang si "Gemrose" Reyes sa Kapuso series na "First Yaya" kung saan kasama niya sina Sanya Lopez, Gabby Concepcion, at iba pang cast members.
Habang tuwing Biyernes ng gabi ay napapanood ang dalawa sa longest running gag show na “Bubble Gang."--FRJ, GMA News