Pumanaw sa edad na 78 ang batikang manunulat, direktor at mamamahayag na si Nestor Torre,.
Ayon sa Philippine Daily Inquirer kung saan mayroong kolum si Torre, komplikasyon dulot ng COVID-19 ang dahilan ng kaniyang pagpanaw nitong Martes.
"He was always larger than life and we feel his absence terribly," saad ng kaniyang pamangkin na si Kat Angeli Torre sa Facebook post.
"We thank you for all of the love and support you’ve shown Tito and our family over the years," aniya.
Kilala si Torre sa kaniyang long-running entertainment column sa Inquirer na "Viewfinder."
Dati rin siyang editor ng Saturday Special.
Naging bahagi rin siya ng entertainment industry sa mga nagawa niyang proyekto sa telebisyon, pelikula at stage musical.
Naging direktor siya ng late night talk show na "Two for the Road" ng 60s, at writer-director ng "Crush ko si Sir" (1971), "King Khayam and I" (1974) at "Ang Isinilang Ko Ba'y Kasalanan?" (1977).
Nasa listahan naman ng mga nagawa niyang musical ang "Magnificat," "Cory the Musical," at "Katy.
Iki-cremate ang kaniyang mga labi sa Miyerkules at magkakaroon ng Zoom Mass dakong 5:30 p.m. —FRJ, GMA News