Kung si Rhian Ramos ang tatanungin, magandang panahon daw ang pagiging single ngayong may nararanasang pandemic sa bansa. Bakit nga ba? Alamin.

Sa video ng Kapuso Showbiz News, sinabi ng 30-anyos na aktres na mas mapagtutuunan niya ngayon ng pansin ang kaniyang sarili.

At kapag single, nasa iyo rin ang atensiyon ng mga kaibigan na nais kang pasiyahin at tulungan na makahanap ng bagong pag-ibig.

"Wala kang ibang kailangang i-consider aside sa what do I want," anang aktres na nakipaghiwalay sa kaniyang dayuhang nobyo noong nakaraang taon.

WATCH: Rhian Ramos, dinamdam daw ang break-up nila ng Israeli boyfriend

Paliwanag pa ni Rhian, mas makikilala mo ang iyong sarili ngayong pandemic kung single ka at marami kang matutunan.

Bukod doon, makakapagplano ka rin kung ano ang gusto mo sa iyong buhay nang hindi mo kailangang i-adjust para sa iba.--FRJ, GMA News