Magiging mommy na dating aktres na si Beth Tamayo sa edad na 43.
Ibinahagi ni Beth sa Instagram ang larawan ng sonogram ilang linggo matapos silang ikasal ng kaniyang non-showbiz American partner na si Adam Hutchinson sa Amerika.
Ayon kay Beth, nangyari ang kaniyang pagbubuntis sa tulong ng vitro fertilization o IVF.
“'Bout time to tell the world that WE ARE PREGNANT! It wasn’t an easy road getting here but boy it was worth it!,” saad ni Beth sa caption.
“IVF is never an easy path," sabi pa ng dating aktres na pinasalamatan ang kaniyang "team" sa pangunguna ng kaniyang duktor.
Pinasalamatan din ni Beth ang kaniyang mister “for being such an awesome partner.”
“From day one, even if he can’t physically go inside the clinic (Covid protocol) to hold my hand and make sure I’m fine, he’s been there for me driving me to all of my appointments and just making sure I’m feeling great.
“The guy who’ve perfected the 'art of giving shots' and cheered me on every night. Telling me that I’m such a badass for going through all of this! Thanks Babe," ayon sa dating aktres.
Ikinasal si Beth at Adam sa civil wedding noong March 3.
Sa nakaraan niyang panayam sa "Just In', inihayag ni Beth ang tungkol sa plano nilang simpleng kasal ni Adam.
Ikinuwento rin niya ang dahilan ng pag-alis niya sa Pilipinas at tuluyang iwan na ang showbiz. — FRJ, GMA News