Hindi kinalimutan ni Claudine Barretto na gunitain ang namayapang nobyo na si Rico Yan na magdiriwang sana ng  ika-46 taong kaarawan.

Nag-post kamakailan si Claudine sa Instagram ng mga video at larawan para sa munting "salu-salo" kasama ang kaniyang pamilya.

“Since it’s the birthday of Rico, we want to celebrate and remember him, so magkakaroon ng kaunting salu-salo dito sa bahay,” saad ng aktres sa post.

 

 

Sa isa pang clip, makikita na pinangunahan ni Claudine ang pagdarasal at pag-awit ng “Happy Birthday” kasama ang kaniyang mga anak.

“Happy birthday, Rico. We love you, we will not forget you, and just keep watching over us,” saad ni Claudine, na humiling din sa kaniyang followers na ipagdasal ang namayapang aktor.

Pumanaw si Rico noong 2002 sa cardiac arrest dahil sa acute hemorrhagic pancreatitis sa edad na 27.--FRJ, GMA News