Isinara na ni Ate Gay ang kaniyang tindahan na "Siomai Himala" na binuksan niya noong July 2020 na panahon ng enhanced community quarantine para may pagkakitaan.
Sa artikulo ni Rommel Gonzales sa PEP.ph, sinabing inihayag ito ni Ate Gay sa presscon ng bago niyang pelikulang "Ayuda Babes" na ginawa kamakailan.
Kuwento ng komendyante na kilala rin sa kaniyang mga "mashup" songs, itinayo niya noon ang tindahan ng siomai nang magsara ang mga comedy bars at wala siyang ginagawa.
"Ngayon nung medyo okay-okay na ang trabaho, isinara ko na," saad niya.
Wala rin umanong magbabantay sa negosyo kapag wala siya.
"E, kasi walang nagbabantay. Pag wala ako dun, walang bumibili, e! Kasi yung mga bumibili dun, nagpapa-picture kasi nga ang ganda ng appearance ko sa 24 Oras," kuwento niya
Matatandaang na-feature sa ilang programa ng Kapuso Network ang ginawang negosyo ni Ate gay tulad ng 24 Oras at "Mars Pa More."
Naniniwala naman si Ate Gay na posibleng matatagalan pa bago tuluyang makabangon ang mga comedy bars na naging bread and butter niya for 25 years na.--For the full story, visit PEP.ph