Inilahad ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na tulad ng maraming tao, meron din siyang insecurities, at isa na rito ang pagkakaroon ng biniyayaang dibdbib. Katunayan, naisip niya noong magpa-breast reduction, pero hindi niya ito tinuloy.
“Of course, it’s true, that’s normal. Everybody has insecurities. There are days na hindi tayo sure sa sarili natin, parang dina-doubt natin ’yung sarili natin or parang hindi tayo confident. That’s for everyone,” sabi ni Pia sa kaniyang “True or False” na Q&A session sa kaniyang Instagram stories.
Nagsimula aniya ang insecurity ni Pia noong bata pa siya.
“I mean honestly, siyempre noong bata pa ako, na-insecure talaga ako sa katawan ko, especially dito (pagturo sa kaniyang dibdib) kasi siyempre inaasar ako sa school, nahihiya ako. Pero as I got older, I learned how to be more confident.”
Dahil dito, nagkaroon ng follow-up question ang fans: “Gusto mo magpa-breast reduction?”
Nagpakatotoo naman si Pia sa kaniyang sagot.
“There was a time when I was much younger na I was thinking about it. But then hindi ko siya tinuloy kasi nalaman ko na malaki ’yung scars na maiiwan niya, so buti na lang,” anang beauty queen.
“I also realized na ’di ako dapat magpa-apekto sa mga sinasabi ng ibang tao … so I accepted myself na lang,” caption naman ni Pia.
“Be confident with your bodies! I’m glad I didn’t let my insecurities get to me,” saad niya. – Jamil Santos/RC, GMA News