Laking tuwa ng isang OFW sa Kuwait nang matawagan siya ni Kuya Wil dahil mayroon na siyang maipapadala sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.
Dahil sa dami ng obligasyon, tinitiis niyang manatili sa Kuwait para patuloy na makapagtrabaho kahit kalahati lang muna ang sahod dahil sa COVID-19 pandemic.
Tatlong taon na rin daw siyang hindi nakakauwi ng bansa, at kahit nais niyang umuwi ay iniisip niya na matitigil siya sa trabaho at walang magtutustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya. Panoorin ang kaniyang kuwento sa video.
--FRJ, GMA News